... ito ang mga gusto ko sanang gawin.
1. Umuwi sa Antique at makipagkita kay Jasper, ang pinakamatalik kong kaibigan.
2. Bumiyahe papuntang New York para muling makasama sina Bobot, Olga, May, 'Ta Madith at Chinky. (Hindi pa nga lang ako nakakalipat ng apartment dito sa D.C. kaya hindi pa ako makaalis-alis.)
3. At kahit napakaimposible nito, gusto ko rin sanang bumalik sa Sydney - nakapunta ako doon noong 1997 at 1999 - para makakwentuhan ang pamilya Javier.
4. Makasama sa isang bakasyon--'yong kaming dalawa lang--si Toto, ang bunso kong kapatid. Magkukwentuhan lang kami nang magkukwentuhan at magpapakabundat sa kung anu-anong mga pagkain.
5. Kumain ng tuyo, at ginisang kangkong, at bagoong, at pritong isda, at sinigang, at nilaga, at sotanghon, at laing, at kinilaw. Para sa mga pagkaing ito, handa akong talikuran ang pagpapapayat.
6. Magpakasawa sa kakanguya ng Chickenjoy sa Jollibee, at sa kakahigop ng batchoy sa Ted's sa Iloilo, at D'Reyeses at JRL sa Antique.
7. Sumabit sa mga gala nina Frank at Arthur, mga kaibigan ko sa teatro. Dati kasi e dinadaanan nila ako sa Los Banos at sinasama sa mga byahe nila sa Paete, San Pablo, Santa Cruz, Liliw, Pangasinan, Baguio ...
8. Makasama uli sa apartment at hotel room si Joy, ang pinakamatalik kong kaibigan sa Makiling.
9. Makakwentuhang muli sina Dalyn, Jane, Belen at Stanley, mga kaibigan ko nung nag-aaral pa ako sa West Visayas State University sa Iloilo. Dahil sa kanila, naging mas masaya at mas makulay ang aking buhay-kolehiyo.
10. Makasama siya. Basta. Siya. Nang matagal-tagal na panahon.
11. Makasama uli si Eugene. At makumusta.
12. Bumalik sa Trappist Monastery sa Guimaras kasama si Ritchie. (Malabo na nga lang ding mangyari uli ito dahil sa New York na ngayon nakatira ang kaibigan ko.)
13. Muling makasama ang mga kaibigan kong sina Bonbon at 'To Ryan sa Anini-y, gayundin sina Glenn, Bonbon (ibang Bonbon naman ito) at Tulio sa Belison.
14. Magbasa ng mas marami pang mga libro sa Barnes and Noble sa Clarendon, at sa Books A Million sa Dupont Circle.
15. Makita na at mabasa ang pangalawa kong libro para sa U.S.T. Publishing House. (Nai-FedEx na raw ng kapatid ko ang kopya ko.)
16. Makausap ang nanay ko tungkol sa mga plano niya sa buhay.
17. Makasama ang mga kapatid ko kahit na walang okasyon.
18. Makita na at makalaro ang aking pinakaunang pamangkin. (Sa Setyembre pa manganganak ang pangatlo kong kapatid na si Neneng.)
19. Bumalik sa Paris--una akong nagpunta sa romantikong lugar na ito noong 1994--at maglibot nang maglibot doon. (Kakatapos ko lang kasing mapanood ang final season ng paborito kong "Sex And The City." At sa huling episode nito, dinala ni Aleksandr Petrovsky si Carrie Bradshaw sa Paris.)
20. Dumalo sa 2005 U.S. Open sa Flushing Meadows, New York para personal na mapanood sina Andy Roddick, Marat Safin, Rafael Nadal, Serena at Venus Williams, at Maria Sharapova. (Sana Agosto na ... sana Agosto na ... sana Agosto ...)