Tuesday, January 24, 2006

Pahinga naman muna


Sa wakas, pagkatapos ng apat na buwang pagpupuyat at walang katapusang pag-aaral, natapos din ang Spring 2005 academic term. Nitong mga huling araw, wala na 'kong ginawa kungdi humilata at matulog nang matulog. Paggising, kakain, magbabasa nang kaunti, maliligo, magbibihis, pupunta sa supermarket o kaya bookshop, uuwi, at matutulog uli. Hay, this is the life!

Kaninang hapon, natanggap ko na ang mga grado ko para sa semestreng ito. "A" pa rin lahat kaya natuwa ako. And getting straight A's is even more meaningful to me now dahil ito na, without a doubt, ang pinakamahirap kong semestre sa Amerika. Nagsimula kasi ito with a traumatic back injury noong Enero na naging dahilan para maranasan ko first-hand ang dati e napapanood ko lang sa palabas na Rescue 911 - ang mabuhat ng pitong nakaunipormeng asul na mga medics, ang isakay sa stretcher at ihatid ng ambulansya sa pinakamalapit na ospital. At bago ang finals week, natanggap ko nga ang balitang namatay na si Dean Fernandez. (A week after Dean died, namatay din si Kuya James, kasamahan ko dati sa Makiling. Cancer naman ang ikinamatay niya.) Depressed tuloy ako nitong mga huling araw.

But life goes on. Syempre. At sabi nga, what doesn't kill you will make you stronger. Sana nga. Sa tingin ko kasi, mahina ako. Madaling umiyak, madaling mataranta, madaling matakot. Buti na lang at may mga kaibigan ako. Konti lang sila pero tunay ko silang maaasahan kapag kailangan na.

Sa mga susunod na araw, bibiyahe na ako papuntang New York para magliwaliw at gumala nang gumala. Magpakaturista ba. Pipila sa Times Square para sa discounted Broadway tickets ... magpuyat kasama nina Olga, Bobot at May ... maglakad nang maglakad sa Central Park, sa Greenwich Village, sa 5th Avenue ... makipag-usap sa malutong na Kinaray-a kina Chinky at 'Ta Madith ... tumambay buong araw sa Virgin Records at Barnes and Noble ... kumain, makipagkwentuhan, makipagtawanan.

Kaya nga matutulog na ako ngayon. Kasi sa New York, hindi pwede. Nakakahiya. Sayang ang oras. Sabi nga kasi, it's the city that never sleeps. Kaya ... hanggang dito na lang muna. Kailangan ko pa kasing mag-ipon ng maraming, maraming tulog.

Ho-hum!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home